16 January 2011

destined to be mine 3


"ARGH!"

I threw the book I was reading against the wall of my bedroom. Habang tumatagal ay lalo akong naiinis kay Kenneth. I had been looking at my phone every five minutes to check if nagtext siya at hindi ko agad nabasa. But nada. Zilch. The blank LCD screed stared at me in mocked silence.

"Masyado bang boring ang book na iyan at kailangan mo talagang itapon?"

Lumingon ako sa may pinto and standing there was my bestfriend, Mitch. We live in the same apartment pero may kanya-kanya kaming rooms.

"Kanina ka pa ba diyan?" I asked sabay sandal sa headboard ng kama ko. Pumasok siya sa loob and sat on the bed.

"Napadaan lang ako. I thought about checking up on you and--teka, umiiyak ka ba?"

I only sniffed in response.

"Si Kenneth ang dahilan no?"

Another sniff uli.

"Care to tell me about it?"

"He forgot," sabi ko.

"He forgot what?"

Then I told her about what happened. "Mababaw ba ako? I really felt bad kasi eh. Tapos gabi na lang hindi man lang siya nagtext o tumawag. Parang hindi na ako nag-e-exist sa buhay niya."

"Why? Kapag tumawag ba siya, sasagutin mo naman ba?" Mitch asked.

"I don’t know. Pero at least kahit hindi ko sasagutin, I will still know na he's worried about me. Na iniisip din niya ako kahit paano." Then I felt a pillow hit my face. "Aw! Bakit mo ako pinalo ng unan?" tanong ko kay Mitch.

"Para matauhan ka daw. Ang adik mo eh. Ikaw ang nagsabi sa kanya to leave you alone for now tapos ngayong hindi nagtext o tumawag eh mag-e-emote ka."

"Eh, kasi…"

"Anong kasi? Naku, emo ka talaga. Akin na nga number ni Kenneth."

"Why? What would you do with his number?"

"Itataya ko sa lotto," sagot niya. I looked at her as if she was out of her mind. "Joke lang. Iti-text ko siya at sasabihin ko sa kanya na suicidal ka na kaya kailangan niyang pumunta dito."

"No way!" I protested.

"Hay naku! Di ba, nada-drama ka diyan dahil hindi man lang siya nagtext? Kaya papupuntahin ko na para tumahan ka na."

"Naman eh."

"Ayaw mo?"

"Ayaw."

"Ayaw talaga? Final answer?"

Sandali akong natahimik and then finally I admitted the truth with a sigh. "Gusto."

"Iyon naman pala. Ang arte mo pa. Akin na ang number niya, dali." I picked up my celphone and dictated Kenneth's number to Mitch.

"Anong sasabihin mo sa kanya?" I asked her. Suddenly, I was worried na baka kung anu-anong kalokohan ang sasabihin ni Mitch kay Ken.

Mitch only smiled at me sheepishly. "Huwag ka mag-alala. May mga ganyan din akong moments kaya naiintindihan kita. Ititext ko siya na kunwari worried daw talaga ako sa'yo. Kunwari, hindi daw kita nakausap para kunwari, hindi niya mahalatang gusto mo talaga siyang pumunta dito at sort of suyuin ka para peace na uli kayo. Okay ba?"

I grinned kahit luhaan pa ako. "Bestfriend nga kita. You know me too well."

"Oo nga. Hinawaan mo kasi ako ng kadramahan mo eh. Kaya tuloy nagiging creative liar na ako," sagot niya. This time, siya naman ang pinalo ko ng unan.

"Hep! Time out muna. Iti-text ko pa si Papa Kenneth mo para bumalik ka na sa katinuan."

"Fine," sabi ko and remained silent while she typed the message.

"O ayan, sent na. Let's cross our fingers. Kapag tumawag sa'yo, huwag mo sasagutin ha? Kunwari tampo mode ka pa."

Katatapos pa nga lang niya magsalita when I heard my phone's ring tone.

"It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now.
Said I wouldn't call but I lost all control and I need you now.
And I don't know how I can do without, I just need you now."


True enough, si Kenneth nga ang tumatawag.

"Don't answer!" Mitch warned me.

"Eh, paano kung hindi na uli siya tatawag? Paano kung mapagod na siya?"

"Sorry ka na lang."

"What?!" I panicked and picked up the phone but Mitch grabbed it from my hand.

"Relax okay? I have a feeling na ako ang susunod niyang tatawagan. Well, I hope so," sabi niya. After around ten missed calls, my phone went silent. Parang nakakabingi ang sobrang katahimikan.

Para kaming nanonood ng suspense thriller. Inaabangan namin kung kaninong phone ang susunod na mag-ring. Halos i-pray over na ni Mitch ang celphone niya nang tumunog ang message alert niyon. We both held our breaths as she opened her inbox.

"Ay, forwarded message pala. Hindi galing sa kanya. Sorry."

Nanlumo ako. Hindi na tatawag si Kenneth. He's not the persistent type. Isa pa, hindi naman sila dating textmates ni Mitch so he will have no way of knowing kung si Mitch nga ba ang nagtext sa kanya o ibang--

Biglang nagring ang phone ni Mitch at nagkatinginan kami. Sabay naming binasa ang caller ID at sabay ding napasigaw.

"It's him!" we both exclaimed.

"Okay, relax. I should sound worried kapag sinagot ko na ang tawag niya," sabi ni Mitch at pilit kinalma ang sarili from all the excitement.

"Hurry up," sabi ko. Natatakot ako na baka mag-hung up si Kenneth.

"Okay, heto na. Stay quiet," sabi niya ang pressed the answer button. "Hello Kenneth? Oo, si Mitch ito. H-ha? Ah…kasi naiwan niya sa sala ang celphone niya at doon ko kinopya ang number mo," palusot ni Mitch. I bit my lower lip habang nakikinig sa susunod niyang sasabihin.

"Nag-aalala na nga ako sa kanya eh. Hindi kasi siya kumain ng dinner and I think I saw her crying in her room. Can you come over?" Mitch asked. I held my breath again.

"Ay, hind ka na pwede lumabas?" narinig kong sabi ni Mitch. Nagkatinginan kami and I felt like crying again.

"Ah, kasi may work ka bukas. Teka, anong araw pala ngayon. May calendar ako dito. Oh, it's Sunday, January 20…teka. Diba 20 ang monthsary ninyo?"

Muntik ko nang sabunutan si Mitch for saying that. Pero hindi ako pwedeng mag-react so I remained silent and listened further.

"Hala ka! Hindi mo naalala? Kaya naman pala nawawala sa sarili ang bestfriend ko eh. Hay naku Kenneth. Lagot ka. Okay. Sige." then Mitch ended the call and grinned from ear to ear.

"He's coming kaya magprepare ka na. Pero siyempre, secret natin ang acting ko ha?"

"Thank you, best."

"Naku, wala iyon. I'm sure if the situation would be reversed, you'd do the same for me," sagot ni Mitch.

"Siyempre naman!"

"Pero nakakatuwa no? I had fun."

Nagkatawanan kami. "Oo nga. Masarap pa rin palang maging babae," sabi ko.

"Sinabi mo pa! Kapag babae ka, licensed kang umiyak nang walang dahilan at magdrama ng bonggang-bongga."

"Best actress ka talaga," sagot ko naman. We laughed at ourselves again and at our crazy little stunt just to get my boyfriend's attention. Crazy nga pero masaya. Sana tuluy-tuloy na.

No comments:

Post a Comment