11 January 2011

destined to be mine 1



"What's the problem, Yhonna?" tanong ni Kenneth habang naglalakad kami sa mall.

Mahilig ako magwindow shopping and my first stop would be at the toys department. Parang naka-auto pilot na ako at iyon palagi ang gusto kong puntahan. Then I would look at the biggest Garfield stufftoy available and just dream about it. Of someone who will buy that for me. Kaya ko namang bumili niyon. It's just that it would seem special kapag ang nagbigay eh ang taong mahal mo. Di ba? Memorable yun?

So I stood in front of the stuff toy again. Habang tumatagal, nalulungkot ako. I felt connected to the toy in some way. Si Garfield, naghihintay ng taong bibili sa kanya para may yumayakap na sa kanya. Ako naman, waiting for someone to buy it for me para mayakap ko na.

"Gusto mo?" tanong niya uli when I remained silent.

Gusto kong sabihin sa kanya na 'Oo, gustung-gusto ko,' pero hindi ko ginawa. Alam ko kasi na bibilhin niya. May topak nga siguro ako. Ayoko kasi ng binibilhan ako ng isang bagay just because I wanted it. Mas gusto ko na bibigyan ako ng isang bagay just because he was thinking about me and thought of giving me something on impulse.

Di ba? Mas sweet 'yun?

"Hindi, I just thought about something," sabi ko na lang sa kanya and moved out of the toy section.

Sorry muna Garfield. No hug for you today and no stufftoy for me.

"Mukhang may problema ka. Care to share it?" tanong niya ulit.

Kapag bigla pala akong manahimik mapapansin na niya rin sa wakas na may problem ako. It's not actually a problem. More like unfulfilled expectations. Because when I enter into a relationship, I give it my best shot like it would be the last. Palagi. Ganoon ang treatment ko sa mga guys na dumaan sa buhay ko. So far dalawa pa lang. Si Carl na ex ko at si Kenneth, my present boyfriend. So there I was, giving so much of myself to someone and yet parang hindi naman niya napapansin.

Until now. Mainly because I was so quiet.

"Nothing. Uhm, masama lang ang pakiramdam ko," I answered.

He stopped walking and held me close.

"Masama pala ang pakiramdam mo. Dapat hindi na lang tayo lumabas ngayon," sabi niya and tightened his embrace.

I got teary-eyed. Times like these, nabubuhayan ako ng loob. Times like these, I remember why I fell in love with him in the first place. Because he was so sweet in the beginning. Yet habang tumatagal, nararamdaman ko something is missing and I can't put a name to it.

"I'm okay. I guess I just need to eat," sagot ko and left his embrace. Hinawakan niya ako sa kamay.

"Tara. What would you like to eat?"

"Uhm, shawarma I think," sagot ko.

He never said another word. He just held my hand and led me to the foodcourt kung saan naroroon ang nagtitinda ng Shawarma. Habang naglalakad kami hindi sinasadyang napadaan kami sa isang flower shop. Napangiti ako habang nakatingin sa display ng mga daisies. Daisies are my ultimate favorite. Especially Gerbera daisies.

"Gusto mo ng rose?" tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi ko.

"No," sagot ko.

Totoo naman iyon. I never liked roses. Pero sana tinanong niya kung aling flower ang gusto ko, sasabihin ko naman. Alangan namang ako pa ang magbigay ng info na iyon? Para naman siyang bumili ng product na hindi man lang muna inalam ang specs so he will at least know something about it.

Hay, lalaki talaga. When can they ever figure out a woman's mind?

Well, kasalanan ko din siguro. Bakit ko ba siya sinagot nang hindi man lang binigyan ng test kung gaano niya ako kakilala. Tama. It was my fault.

"Bakit ka nga pala nagyayang lumabas tayo ngayon?" tanong niya uli habang papalapit kami sa foodcourt.

My heart finally sank this time. Sa totoo lang gusto ko na talagang umiyak. Akala ko pa naman alam niya kung bakit. Tapos ngayon magtatanong siya?

Haller! Monthsary kaya namin ngayon! Ang sarap talagang batukan ng lalaking ito. Napaka-insensitive.

"Uhm, Ken, uwi na lang ako. Masama talaga pakiramdam ko eh. Ingat ka na lang," sabi ko and turned away.

It was disappointment to the tenth power. Isa lang ang alam kong pwede kong gawin without making a fool out of myself. Walk out.

"Yhonna! Wait! Ihahatid na kita."

"No. I'll take a cab. Iwan mo na ako," sagot ko without stopping. Humabol pa rin siya.

"Yhonna, don't be silly. Ihahatid nga kasi kita."

This time, huminto na ako. "Ken, can you do me a favor?"

"Sure. What is it?"

"Can you leave me alone? For now? Saka na lang tayo mag-usap."

"Ha?! Bakit? Anong kasalanan ko? Yhonna!"

Iniwan ko na siya. Hindi na ako lumingon kahit ilang beses niya tinawag ang pangalan ko. I don't know. Napuno na siguro ako o kaya napagod. Basta lumabas na lang ako ng mall at pumara ng taxi pauwi. Nang makasakay na ako ng taxi saka pa lang ako umiyak. Parang mas masarap yatang maging single na lang ako. At least wala akong inaasahang babati ng happy monthsary. Wala akong aasahang magbibigay ng surprise for no reason at all.

Pero mahal ko din naman siya. Baka nakalimutan lang talaga niya. Sana hindi ko na muna siya sinagot. Kasi noong nanliligaw pa lang siya very attentive siya sa akin. Ngayon nakakalimutan na lang niya ako.

May future nga ba kaming dalawa o pareho lang naming sinasayang ang oras ng isa't isa? Are we really meant for each other?

--to be continued--

No comments:

Post a Comment